30 Day Letter Challenge: Day 1 — Your Best Friend

Standard

Sa iyo aking matalik na kaibigan,

Sa kaunting panahon na naging malapit tayo sa isa’t isa, masasabi kong ikaw ang aking pinakamatalik na kaibigan ko sapagkat sa iyo ako naging totoo, at natutuhan ko ring maging totoo sa aking sarili. Kung baga, may kaibigan ako para sa saya, may kaibigan ako para sa lungkot, pero ikaw, kaibigan kita sa lahat ng  bagay.

Malaki ang pasasalamat ko na dumating ka sa buhay ko. Maraming katanungan sa isip ko ang nasagot, maraming kaisipang pinagdududahan ko noon na pinaninindigan ko na ngayon, maraming kipit na damdaming buong puso ko nang inihahayag ngayon. Salamat – salamat sa iyong bukas na tainga at kaisipan.

Hinihiling ko lamang na sana’y hindi magmaliw itong ating pagkakaibigan. Kung may magagawa ako para sa iyo, sabihin mo lang at malugod ko itong gagawin.

Mahal kita, at ang kaligayahan mo ay akin ring kaligayahan.
Nagmamahal,
Sasa.

Leave a comment