Tag Archives: self

Napansin ko lang.

Standard

Bakit kapag may bagay tayong nagawang tama, o mahusay, pinasasalamatan natin ang lahat – kaibigan, magulang, (mga) diyos – lalo na ang (mga) diyos, at saka pa ang ating sarili?

Hindi ba’t dapat tayo mismo ang gumalaw, nag-isip, naghirap para sa bagay na iyon? Hindi ba’t parang hindi naman patas iyon para sa sarili natin?

Ang sa akin lang, hindi nating nagawa ang bagay na nagawa natin dahil pinagpala o sinuwerte tayo. Nagawa natin iyon dahil magaling tayo. Magaling. Tayo.